A Travellerspoint blog

african eyering lovebird

soo adorable :)

sunny

lovebirds2.jpg

Tuluyan ng nahumaling sa napakagandang nilikha. Makukulay na pakpak, katuwang ang napaka-among mukha. Nakakasisiyang pagmasdan sa kanilang bawat gawa.

Hindi lubos akalain na hindi biro ang halaga, ngunit sulit pa rin pagdating sa ganda. Salat man sa kaalaman sa pag-aalaga,sisikapin pa rin maaruga ng tama.

Ipinakikilala kaaya-ayang alaga. :)

Posted by unicaizy 09:02 Archived in Philippines Comments (1)

bahaghari

pagkatapos ng ulan

sunny

567SilverLining.jpg

napakagandang pagmasdan bahaghari pagkatapos ng ulan. Isang pangako na binitawan ng Poong maykapal.

.....nakaliligayang lakaran ang panibagong daan na napaliligiran ng mahalimuyak na halaman.
.....isang katibayan ng kasabihan. "magsasara ang pintuan ngunit may bintana na bubuksan"

Nagagalaak sa bagong mga kaibigan na mabubuti ang kalooban. :)

Posted by unicaizy 12:25 Comments (0)

"pagbabago"

tanging bagay na permanente sa mundo

missing-you-2.jpg
.........tama nga.. anng tanging bagay lamang na permanente sa mundo ay ang PAGBABAGO.. kadalasan marami sa atin ang kuntento sa kung ano ang nararanasan at kung ano ang may roon tayo. ksama ang mga tao na komportable tayo, ginagawa ang bagay aa nakagawian ng gawin. Tila isang programa na tuloy-tuloy lamang sa pagtakbo sa bawat araw ng ating buhay...

May mga bagong makikilala, magiging kaibigan, mapapamahal at aasang makakasama sila ng matagal. may bagay na sinikap pag aralin upang makagawian. Gigising sa umaga, masaya dahil kontetnto sa kung anong meron, maggagayak ng sarili at tutungo sa lugar na nakasanayan na sa pagtakbo ng panahon...

.......sa hindi inaasahang pagkakataon,Heto at dadating ang PAGBABAGO na tila isang malakas na bagyo na sasalanta sa tahanang sinikap itayo. sisirain ang mga madadaan, at walang ittira kundi isang maliit na piraso ng nakaraan. napakasakit iwan ang mga taong natutunan ng mahalin at kalingain. napakasakit talikuran ang mga pangarap na unti unting binuo kapiling ngamga kaibigan....
.......sa kabila ng sakit at kalungkutan kaillangan pa rin harapin ang kinabukasan.. subuking kilalanin ang mga bagong katuwang, at simulang buuin ang tahanan na nawalan ng daan..

PAGBABAGO.. ang tanging permanente sa mundo. Kung pagbibigyan mo ito, maaring magkaroon ng milagro at ang buhay ang maging mas POSITIBO.

Posted by unicaizy 12:48 Comments (0)

tama = mali; mali=tama

tama nga ba?

sunny

right.jpg

Mahaba ang listahan ng mga bagay na tama at nararapat gawin dito sa daigdig.Kanya-kanyang batas ang humuhusga kung ano ang tama o mali. “Kanya-kanyanng pananaw” sabi nga ng iba.

Bilang isang babae na pinalaki sa isang konserbatibong pamilya na malayo sa mga matatawag na “bisyo at kamunduhan” ngunit hindi din naman masasabing inosente sa mga bagay bagay na nasa labas ng linyang ginuhit ng mga magulang.Masaya ang buhay sa piling ng pamilya at mga kaibigan na kapareho ng pananaw sa buhay. Ang hilig ay magsaya, magbyahe, magkwentuhan ng mga simpleng bagay tungkol sa isa’t isa, lasapin ang mga pagkain na ibinabahagi ng mundo. Tila ba nabubuhay sa isang "munting paraiso" na malayo sa gulo at init ng ulo. Pinipiling gawin ang mga bagay bagay na tama sa batas ng tao.

Sadyang malaki ang mundo,-- ang inaakalang “perpektong munting paraiso” ay may pasikot-sikot na daan na patungo kung saan.
Kaliwa at Kanan.
Maaring isang daan na pabalik sa “perpektong mundo” na kinalakhan, o di kaya ay patungo sa kawalan.
Sa pagtahak sa “mahiwagang daan”, maraming likuan na kailangan pag isipan.
May mga bagay at kaganapan sa bukana ng lagusan na nakaiin-ganyong subukan sa kabila ng kaalaman sa tama at kamaliaan.

Sa pagtahak sa ganitong daan, tila ba nasusubukan ang katatagan ng mga aral na tinuro ng magulang,. May mga pagkakataon na susubukan mga bagay na di kiginagisnan, ngunit maaring magustuhan. May mga desisyon na pinili para sa kabutihan ngunit naiiba ang kulay kapag tinatahak mo ang nasabing “daan”.

"Tama nga bang gawin ang TAMA kahit paminsan pakiramdam ay MALI pag kasama ang iba. O dapat bang magpadala sa sinasabi ng nila, at subukan makibaka sa “malingTAMA” na gawa.
------ Tanong na paulit ulit tumatakbo sa isipan. Tanong na hindi mabigyan ng kasagutan. Nahahati naba ang aking paninindigan dahil unti unting nagugustuhan ang “daang” nilalakadan?

................

...............

Sa kabila ng lahat,sa pag upo at pag tigil ng lakad. Bulong ng puso pa rin ang namamayagpag. --- mananailing matatag na tahakin ang sa palagay ay tamang landas.

Posted by unicaizy 07:08 Comments (0)

a girl changes her mind a million times

desisyon desisyon desisyon??

sunny

Patungo sa isang malamig na lungsod kasama ang mga bagong kaibigan. planado na ang lahat. planchado kumbaga. Simula sa sasakyan, tutuluyan, pagkain, pupuntahan at higit sa lahat ang mga iinumin. Heto nanaman ang mahiwagang isip ko pabago-bago. Kalahating parte ko ay gustong gusto, kalahati ay gulong-gulo. Pasyalera pa ba talaga ako? o sadyang dahil babae kasi ako? malamig

malamig

Posted by unicaizy 07:01 Comments (0)

unang buwan:unang pasyal

Ati-atihan 2010; ika-798 na taon.

Biyernes, Enero 15, 2010
Sa harapan ng hapagkainan, kasalo ang "warden" (aking butihing ina).
Mula sa kawalan, "ma, ati-atihan na bukas diba? Punta tau mamaya".
Nangingiiti pa din ako pag naiisip ko itong linya na ito. Tila ba sa kabilang bahay lang pupunta.
"Sige ning. Ro-ro nalang tayo"
Ang tinutukoy ko na lugar ay sa Kalibo, Aklan. Oo, sa visayas. Manila hanggang Visayas. Ro-ro ay 15 oras ng paglalakbay sakay ng bus. Tila isang lakbay-aral, na dadaan sa iba't-ibang probinsya.

2:30 ng umaga, Sabado. Enero 16, 2010
Larga! nasa bus na ang mag-ina at desididong makisaya sa nasabing fiesta, ni hndi alintana ang pagod na haharapin sa susunod na 15-oras.

7:00 ng gabi, Sabado.
"drum drum drum" tambol, saya, sayaw, tugtugan, pagkain... mga senyales ATI-ATIHAN na nga ito!! Bitbit ang aming bagahe, walang minuto na sinayang at nakisaya sa lahat...

Linggo, 7:00 ng umaga. Enero 17, 2010
Matapos ang ilang pikit ng mata. Heto nanaman kasama na ang buong kapamilya at kaibigan. Susulitin ang bawat minuto ng sayawan, kasiyahan at inuman. Walang katulad na pagsasaya. Sulit talaga.

Lunes, Enero 18, 2010
Yelo muna para sa masakit na ulo. isang pakete ng "dizzytab" ay handa na. haha dahil haharapin nanaman ang 15-oras paglalakbay pabalik ng Lunsod.

Napakagandang unang gala ni pasyalera.

Pagod? hindi alintana kapag ikaw ay talagang pasyalera :)ati-atihan 2010

ati-atihan 2010

Posted by unicaizy 05:30 Comments (0)

simulan na

sunny

unang letrato para sa blog na susubukin kong alagaan. hindi ko alam kung masisiyahan kayo sa pagdaan dito, gusto ko lang mapagbigyan ang parte ng aking sarili na gustong ilabas ang mga bagay bagay na saloobin c.roces cor g. puyat

c.roces cor g. puyat

. :)

Posted by unicaizy 07:25 Comments (0)

(Entries 25 - 31 of 31) « Page 1 2 [3]