A Travellerspoint blog

Tahimik

...........na Giyera

rain

between.jpg
..isang giyera ang dinaraanan. Giyera na iilan lang ang nakakaalam. Giyera na nasaksihan kung paano nagningas, umusok hanggang tuluyan nang umapoy at sumira sa lubid na nagbubuklod sa pagkakaibigan. Sinubukang apulahin; sana ay mas maaga mas magaling; ngunit bigo sa mithiin.

Giyerang naging napakalaking ligaw na apoy, ngunit iilan lang ang nakaaamoy. Giyerang tila tahimik at napakaliit ng sibol ngunit ang katotohana'y napakalalim ng ugat na patuloy ang pagdaloy.

Sinisikap pahintuin ang pag niningas ng apoy ng giyerang hindi lubos akalain ay madaraanan sa kasalukuyang pag-aaliw. Dalawang panig na sadyang malapit sa dibdib, dahilan kung bakit hindi malaman kung saan papanig. Wari'y isang maliit sinulid sa pagitan ng dalawang telang nagngingit-ngit at nais ng mapunit.

Pili't na pinagdidikit ang dalawang sala-sa-init-sala-sa-lamig; hindi mag kasundo ang hilig kaya't laging nag-iinit. Minsan ng inisip na bumitaw at sumuko, hayaan na sila'y magkalabo-labo, ngunit nabigo; nanaig ang bugso ng puso.

Lumalaki ang sakop ng giyerang ito, nasasaklaw na tila kalahati ng mundo. Ngunit sa kabila nito, tanaw pa din ang liwanag sa may bandang dulo, dahil unti-unting natatabing madidilim na ulap sa harapan nito. Nawa'y tuluyan ng maapula sunog na gawa ng maling akala; at tuluyan ng lumiwanag ang lupain ng nadaanan ng giyerang hindi alam kung san nagsimula.
peace.jpg

Posted by unicaizy 12:31 Archived in Philippines Comments (3)

Payong

rain

hatchu! hatchu! hatchu!
Pamilyar sa aking pandinig. Sa totoo namiss ko nga ito. (ha!ha!)

Isa pa. "hatchu! hatchu! HATCHU!" isa, dalawa, tatlo? hindi lang ganito. Magkakapatid na tunog na tila papalubog sa semento.

untitled.jpg
Naiiisip na tuloy ang pamimigay na regalo sa pasko tig-isang payong sa kagrupo ko, proteksyon sa mikrobyo mo. hehe :D

Posted by unicaizy 08:25 Archived in Philippines Comments (1)

Oras

Ginto

sunny

Anim-na-pung segundo sa isang minuto; anim-na-pung minuto sa isang-oras; Bente-kwatro oras sa isang araw; Pitong-araw ang sa Isang-Linggo.

Marahil sa karamihan napakahaba nitong mga panahn na ito. Maraming maaring mang yari; maaring maraming mag-iba. Isang mapakabilis na Linggo ng taong 2010. Napakaraming naganap na mahirap pigilan. Sa sobrang biglaan at sa dami ng pangyayayri, wala nang magawa kundi umupo at hayaan nalang maganap ang mga ito sa iyong harapan; tila ba isang pelikula na walang pindutan para pansamantalang ihinto.

Pelikuang napakalaki ng epekto sa buhay. Pelikulang minsan sana ay ayaw mong mapanuod ngunit hindi maaring lagpasan. Kung maari lang pabilisiin upang hindi mo maramadaman ang emoyon sa kabila ng mga estorya, marahil ay ginawa na. Sa iba't -ibang aspeto ng buhay, relasyon sa malalapit na persona sa buhay. Pamilya, kaibigan at iba pang importanteng to sa buhay.

Napapaisip kung paano kinakaya ang bigat na nadama. Nakakatulong ba ang pagwawalang bahala sa nararamdamang dapat ihinga ngunit piniling sarilinin dahil hindi komportable sa pag kukwento sa iba. Salamat sa pahinang ito, nailalabas ang nasasalobin ng isang tao.

Siguro'y dapat hindi maging malungkot sa paglisan, marahil dapat maging maligaya sa pag dating minsan. Ngaayon ay napagtanto sa sarili na tama nga "Oras ay Ginto" na kailanan pahalagahan ng buong puso.

Isa lang ang sigurado, okay na okay pa ako. Hindi lang alam kung lalong nagiging manhid na, o talagang kinakaya lang ang lahat ng ito. Patuloy lang sa pag-anod at hindi bibitiwan ang mga ngiting pinagkaloob. :)

edit_bread2.jpg katulag ng tinapay na maybuhay. Nakangiti sa kabila ng katotohanan na malapit nang mawalan ng ulo :)

Posted by unicaizy 22:59 Archived in Philippines Comments (0)

Konektado

salute to a friend

sunny

DSC09528.jpg1_316523262l.jpg

Straight body, chin up, feet 45 degrees. The surgeon asked me if I took ballet lessons when I was young. Ha-ha nope, my posture is due to my COCC training. At that moment, I realized how much Citizens Army Training has influenced my life. Somehow, it has prepared me for my profession.

On the JCS grounds, everyday at 0600H before classes begin and 1600H after classes, the Batch Libra gathers for the battalion formation. We march around, we recite the day’s headlines and we tire our muscles doing squats and push-ups.

As a nurse, I have to work for 8 long hours standing, walking and sometimes running around during emergency cases. I only get the time to sit down when I’m in the pantry for the 30-minute lunch break. That is, if I have time to eat.

During battalion formation, we had to keep a ‘tiger look’ even when we were in pain. This is the reason why I’m good at hiding my emotions in front of dying patients and keeping a straight face when scolded by doctors and relatives.

I thought it was impossible to ignore an itch until I joined COCC. Standing at attention at all times while in ranks and never moving an inch when an officer is looking: this practice has been helping me a lot, especially when working in an Operating Room. My nose is itching but I’m not allowed to touch my face or sneeze because I would cause the operating field to be unsterile. Seriously, it is a matter of life and bacterial death.

I was lucky because there are things about nursing that I already knew even before they were taught. Another good example is the military time. A lot of hospitals require the ****H format for documentation and charting. Thanks to CAT, military time format is as easy as 123.

And remember the ‘magic 5’? We also have that in nursing. In CAT it was the black pen, notebook, rosary, white handkerchief and a wrist watch. The counterpart of that in nursing would be a tri-colored pen, bandage scissors, micropore tape, Trodat and also a wrist watch.

The white handkerchief gave me the worst headache. We wash and dry it with cornstarch; just like what I do with my nursing cap. It takes time to perfect the way of making it crisp and super-white. I wear my nursing cap with pride knowing that it is expertly and delicately made to stand like a jeweled crown.

I could go on and on. As a matter of fact, I could associate most of my nursing activities to my COCC training. Like how important it is that we use the Square Knot in suturing wounds, bandaging or making traction for orthopedic patients. It had been easier learning these things because of the rope course that we had in Momarco.

The discipline that I got from CAT has made it a lot easier to endure the hardships of nursing course. I am grateful that though I’ve gone through hell in that training, I am now a better person. No experience is wasted. It’s all part of God’s big plan.

Posted by unicaizy 16:05 Archived in Philippines Comments (1)

Pisi

storm

MSCAbrokenRope.jpg

Minsan hindi din kasing haba ng express way ang pasensya ng isang tao.

Kadalasan sinusubok intindihin ang mga indibidwal na nasa paligid, pinipilit bigyan ng dahilan sa sarili ang kagaspangan ng ugali upang mapakagtimpi; ngunit minsan kahit gaano kahaba ang pisi, maari pa rin itong mabali.

Sinusubukang tumbasan ng kabaitan ang kamalditahan ngunit pag-abuso ang isusukli lamang. Marahil kailangan na din patulan kung minsan upang matauhan.

Ngunit.. pero... talagang pero... Susubukin pa rin pagdugtungin ang bawat dulo na pising sinagad ang pasensya't pagtitimpi nito.

isa pa at ikaw ay BIBINGO! :s

Posted by unicaizy 08:03 Archived in Philippines Comments (2)

Letrato

memorabilya ng panahon

sunny

DSC03145.jpg

hiwaga ng paghuli sa isang iksena na hindi na muling mauulit sa parehong pagkakataon, parehong panahon at parehong emosyon.

sulitin ang bawat pagtutok ng lente at sikaping mahuli ang mahihiwagang ngiti na maaaring gawing permanente.

DSC00101.jpg the_best.jpg1_437557431l.jpg37718_4151..78960_n.jpgDSC06839.jpgDSC06505.jpgDSC01390.jpg379.jpgDSC00101.jpgDSC06824.jpgDSC00697.jpg41_842795801l.jpg
DSC08360.jpgDSC06936.jpgDSC00093.jpgDSC05297.jpgDSC00038.jpg1_121045427l.jpg3_tau.jpgDSC08090.jpgmuscle.jpgIMG_1375.jpg
275.jpgDSC02237.jpg

Posted by unicaizy 14:51 Comments (3)

Atsara

gusto ko ng atsara!

sunny

umay na umay sa ginagawa ngunit wala naman magawa kundi ipagpatuloy ang paggawa.

hilong-hilo sa mga pangalang paroo't-parito. nalilito kung sino't- sino. mainit na telepono ang sagot sa pagkalito.

TSEEEEE!!!!!! inaantok ako!!!! exhausted.jpg

Posted by unicaizy 12:36 Comments (4)

liwanag

storm

you are a star and
you shine a light so bright
having you here means never any
darkness; there's no night

though you're wrong, you are
pure as water
something so great in you, you deserve
an alma mater

so many dont understand who you are
or what you strive to be
either way you should tell yourself,
God will only see the best in me

you open your mouth to
speak from your heart
words filled with love and greatness but
the world is not ready; please dont start

with no other distractions
your intelligence is beaming
you are a voice in this world and
God hears you screaming

intent on making others believers,
he shines his light through you
And though the devil puts obstacles in the way, He
is with you the whole way through

you are His and he is forever
yours
it will remain that way until and beyond the day when
you walk through heavens doors
*july2010 DSC02890.jpg

Posted by unicaizy 12:48 Comments (2)

Tasang Puno'

...bawasan at dagdagan

overcast

Ayon sa kanila. “mahirap punan ang tasang nag uumapaw na ang laman.”
Kung iisipin, isa ito sa mga kasabihan na napakahirap o malabong maintindihan sa biglaang paraan. Isang tasang namumutingiting sa laman,na susubuking muling punan. Tila sang nilalalang na marami na ang nalalaman. At may kahirapan ng turuan ng mga bagay na salungat sa nakasanayan.
overflowing-cup.jpg

Noong nakaraan, Marahil naging isa rin sa mga ganitong nilalalang, Siguro ay mayabang, Akala’y marami na ang nalalaman, pakiramdam ay tila ba angat na sa karamihan.
Ito ang pakiramdam nuong nasa paaralan. Nalalaman ang mga nararapat pag aralan, nasasagutan ang mga pagsusulit na nakalaan. Nasaisip na ito ang magiging sandata sa tutuonng labanan sa labas ng bakod ng silid aralan. Tila isang munting ibon na nag uumpisang ipagaspas ang baswis, sabik marating ang bawat batis. Paglabas sa unibersidad na pinag aralan, baon-baon ang tasang punong-puno ng laman. Walang espasyo na nakalaan sa mga panibagong maaaring ilaman. Nakisalamuha sa mga beterano sa labas ng mataas na bakod, sinubok ang talino sa mga bagay na nasa sariling balikat na nakatungkod. ----
--May mga patak patak na tubig na hinahayaang dumagdag sa dala-dalang lalagyan, nguni pinaninindigan na ang tasa'y sapat na ang laman. Sari-saring nilalalang ang nakapakisamahan, may mga hindi pag kakaintindihan at may subukan ng kanya-kanyang kaalaman. Gayun pa man, sa kabila ng ganitong karanasan, may mga iilang nagdaraaan na maaring magmulat ng kaisipan, na hindi lahat ay natutunuan sa butihing silid aralan; sapagkat isang napakaluwang na kawalan ang labas ay naghihintay, handang lamunin ang kabuuan ng tasang inilaan ng kay tagal. May mga aral na dapat isa buhay na matutunan lamang sa labas ng nasabing bakuran, iyon ay kung susubuking paglaanan ng sapat na lalagyan.

Sinimulang bakantihin ang mga espasyo ng tasang sagad ang pagkapuno. upang may paglayana ng mas importanteng turo. Siguro nga ay tama, wika ni ama, “lahat ng taong makakasalamuha ay guro na hindi halata.” Walang bitbit na pisara o di kaya ay kwaderno ng mga gawa, simpleng mga salita mula sa kanilang mga dila na nahugot mula sa mahahalagang ekspiryensa.

Natutunan magpakumbababa sa mga bawa’t taong nakikilala, Sinisiyasat ang pagkatao bago magtiwala. Ipakilala ang sarili?- Hindi minamadali, hinahayang mangganap sa paglipas ng panahon, sa ganitong paraaan magkakakilanlan ang bawat nilalang at matutuutnan ang mga aral na sa kanila’y maaring matutunuan. Bawasan ang laman ng tasang nakagisnan, at pag nilaynilayan kung nararapat bang idagdag ang mga leksyon na bagong natutuhan.

Posted by unicaizy 11:45 Comments (2)

Here Comes Coron

Sa sobrang excited ko, na late ako ng 17 minutes kanina.... sino ba naman ang di tatamarin.... bukas na ang alis namin papuntang Coron!

Pero mukang kulang ata ang 4D/3N namin dun... o baka pera lang ang kulang ko?

Gusto ko puntahan to:

P1.jpg
Isa sa mga famous shot sa mga travel magazines

p2.jpg
mukang nag-iisa lang ang puno dito sa island na to.

mmmmm... excited na ko... halos binabalisawsaw na ko....

Sana 5:00am na! :)

Posted by unicaizy 08:13 Comments (2)

ibababa and bakod at muling susubok

...............nawa'y magkalakas loob

sunny

images.jpg

"ibaba ang bakod at muling sumubok"-- bagay na matagal na ring ibinubulong sa sarili. Magtiwala at pagbigyan ang sarili. Iwaksi and alala-ala ng nakraaang napakatagal ng lumisan. Ngunit ito nga ba ang dahilan, o sadyang duwag lamang na sumubok kaninuman. Alam sa sarili na tuluyan ng bakante ang espasyo at handa na ang damdamin, ngunit sa tuwing may paparating, pilit pa din sinusubok ang hangarin. Hinahayaang sila na sumilip ngunit bakod ang s'yang nasa paligid.

Nalilito at hindi rin alam kung ano ang hanap sa bawat manunubok. Marahil takot nga,duwag masaktan at magkamali o di kaya hinihintay ang prinsipe na matatagpulan lamang sa mga babasahing libro. Prinsipeng perpekto at taong binuo sa tagpi-tagping panaginip ng bawat maginuo. Sa napakatagal na panahon ito ang naginng batayan sa pagpili, maharil nagsilbi na ring rason kung bakit maraming hinayaan na lamang duamaan at lumisan, hindi nag lakas loob na bigyan sila ng dahilan manatili at makasama ng pangmatagalan.

........napapaisip.. nalulungkot.. sa kabila ng prisensya ng mga magulang at mga kabigan na datirati ay nakakapagbigay ng lubos-lubos na kaligayahan sa buhay, tila ba sa kasalukuyang katayuan, may nakapakalaking kakulangan sa pagkatao ang dapat punan. Kinukumbinsi ang sarili na kunteto sa kung anong kinalalagyan, ngunit damdamin ang pilit nag nagsusumigaw, hiling ng pakinggan ang nararamdaman kahit ngayon lamang. Yakapin ang pangkasalukuyang panahon at saglit kalimutan ang paghabol sa pangngarap sa banda roon. Huminto at hayaan sa kamay ay may humawak, magpuno sa pagmamahal na hanap,bigyan ng pagkakataon magkakilala at magsalo sa pangarap ng bawa't isa. Ito'y hindi pagtataksil sa pangako sa pamilya dahil nabibilang ito sa proseso ng pagtanda. Pangarap ay hindi mababawag subalit ito'y madaragdagan.

tama, susubukin muli pumusta at itaya ang nadarama, sa taong malaki ang tiwala na panghabang panahon ang sumpa. Nawa'y hindi siya nainip at tuluyan na lamang umalis. Panalangin sa pagbalik ay nariyan pa siya at nagkamasid, matikas ang mga bisig upang yakapin ako ng mahigpit.

Posted by unicaizy 13:53 Comments (0)

ligaw

daloy ng damdamin habang nakaupo sa harap ng lamesa. (4am)

sunny

contemplation.jpg

.....may mga pagkakataon sa iyong buhay na tila ba hindi mo na alam ang rason sa kabila ng ginagawa mo sa araw araw,. tila ba nakalimutn na ang mga pangarap na mayroon ka; nagpapa-anod nlang sa aagos ng buhay tuwing darating ang umaga.

pinipilit hanapin ang kasagutan sa mga tanong na pilit itinatago sa sarili lamang, Mga tanong na napakahirap hanapan ng kasagutan. Maraming nagmamahal na handang tumulong at gumabay, ngunit tila hindi alam kung saan dapat lumugar. Naliligaw sa sariling mundo, hindi alam kung san patungo. sa napakaraming daan na maaring lakaran, piniling huminto at magisip sa gitna ng daan. marahil tama lamang na pag isipan ang bawat hakbang, ngunit hindi ba ginagawa ng pahingahan ang nasabing kinalalagyan? at tuluyang nahiga nalamang at tumingins a kalangitan.

balisa.. oo, balisa ang damdamin. marahil matagal na rin ang pagkakaupo at pagtigil. nararapat ng tumayo at pumili ng daan kahit di alam kung ano ang daratnan. Mas mabuting simulan ang hakbanng sa daang walang kasiguraduhan, kesa tuluyang malibang sa pagpili at pagtuklas sa tamang daan.

pilitin ang katawan at simulan muli ang laban, katulad ng nakasanayan noong nagsisimula pa lamang. huwag pag hinaan at manalig sa maykapal.

"Ask and it shall be given to you; seek, and you shall find; knock, and it shall be opened to you" --Luke 11: 5-9
bible.jpg

Mensahe mula sa bibiliya na pumukaw sa gunita, tila ba isanng ulan na gumising sa tigang na lupa.

nakalimot na nga ba sa relasyon sa maylikha. Pagkukulang na nararapat punan dahil ito ang kasagutan sa kakulangang nararamdaman. Napaliligiran man ng magpag mahal na magulang at mga kaibigan, tila may isa pang kulang na dati naman ay napupunan. Pagmumuni muni ang naging kasagutan, at nawari ang kakulanagn. napabayaan na ang pangakong binitawan. Kaya pipilitin simulan ang pagbalik sa tamang daan, nawa'y pagbigyan sa kahilingan. Maramdaman muli ang kakuntentuhan at kapayapaan.

Napakagaan sa pakiramdam mailabas ang nararamdaman, dahil itong nakaraan hindi mahanap ang taong mapagsasabihan ng tunay na nararamdaman dahil piniling tumahimik at ipakita tanging mga ngiti lamang. Pinipilit kayanin ang mga bayag bagay na napag iisipan.

Kung lubos iisipin, mapakapayak ng buhay. tumatanggap ng biyaya mula sa maykapal sa araw araw na pamumuhay, puno sa pagmamahal at pag aaruga. Ngunit may espasyo na pa rin na kulang.

....TILA ISANG RADYO PAULIT ULIT SA PAGTAKBO. HINDI ALAM KUNG SAN ITO PATUNGO KAYA MARAHIL dito NA IHIHINTO

Posted by unicaizy 12:44 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 13 - 24 of 31) « Page 1 [2] 3 »