A Travellerspoint blog

By this Author: unicaizy

kutitap

sunny

DSC01216.jpg
maliliit na bumbilya,
sari-saring kulay ang dala.
sumasabay sa saliw ng masasayang musika.
tila buhay na babala sa paparating na ligaya.

maliit na liwanag na hindi nakabubulag.
naghahatid kislap sa mga matang may pagkabagabag.

walang katumbas na ligaya nasasalamin sa kanilang mga mata
mga paslit na nakatingala't nangangarap masilayan si santa
mga ngiti'ng naipipinta sa kanilang mga mukha, tila walang pag-silan ang ligaya.

senaryo na nakasanayan na, ikinaaaliw na makita sa tuwina.
muntik ng hindi masilayan tanawin na nakatandaan na;
pagkat nagbabadyang masilayan kakaibang dala ng mga tala, nyebe nga tawag nila.

Naisip na malayo nga ang pagkakaiba ng paggunita sa araw na pinakahihintay ng bawat isa.
Kaya ganun na lamang ang paghahanda upang pakislapin na ang tanging ligaya ng silanganing bata.

Posted by unicaizy 07:49 Archived in Philippines Comments (2)

patak

rain

Isa dalawa tatlo,
Apat lima anim pito,
Mga kristal na nagmumula sa mga ulap na bulto-bulto.
Isang kaibigang nagbabadyang pumarito,
at tinatawag ang bawat paslit upang mamuno.

Nuong yagit pa, bawat patak ay napakahalaga dahil ito'y senyales na ng walang kasing sayang paglilibang kasama ang iba.
Bawat patak at hinahanap hanap, nais saluhin gamit ang mga labing nanabik na.
Sa lubusang pagdating ng kaibigang hinihintay sa tuwina, lansangang nagsisisilbing palaruan ay mapupuno ng ligaya.
Ligayang hindi natutumbasan ng mga laruan na mayroon na.

Tila ba ngayon ay nalimot na ang kaibigang dati-rati'y hinihintay ang pagbisita.
Marahil napagod na sa pagtakbo kasama siya,
o hindi kaya ay nagbago na and mga nais gawin sa tuwina.

Naparaming pagkakataon na sa kanyang pagpunta ay hindi pinapansin na,
minsan ay kinayayamutan pa pagka't wika nga ay istorbo na sa pagsasaya.
Hindi naalala ligayang minsan ay nakamtan kasama siya.

...................................
...................................

playing.jpg

Isa dalawa tatlo,
Apat lima anim pito,
heto at paparito pamilyar na patak mula sa ulap na bulto-bulto.

Hiyawan mula sa labasan,
tila isang awitin na napakasarap sabayan,
kaya ng may makitang kaibigan na nagsasaya muli kasama ang ulan,
hindi na napigilang muling makipaglaro sa kaibigang muntik nang makalimutan.

Napasarap muling maranasan, tampisaw at habulan sa ilalim ng maligalig na ulan.

Posted by unicaizy 20:38 Archived in Philippines Comments (1)

counter flow

time stands still

rain

DSC03154.jpg

Kalsada, isang malayang lansangan sa pagitan ng naglalakihang mga istraktura.
Kalsada, na nagiging napakalaking entablado sa tula na hinabi ng tadhana.
Kalsada, na tila isang piping nagmamasid lamang sa mga namamanata.

Sa pagtahak sa napakakomplikadong daan patungo sa kung saan, kasabayan mga nilalalang na iba't iba ang nais patunguhan.
Minsan nagkakabunguan, ngunit mabilis din namang nalilimutan.
Libo-libo and nakakabungo ng mga matang nagmamasid sa pagliko.
Mga mata na patungo sa kabilang direksyon na nais ko.

Isang ordinaryong umaga, halos pikit pa ang mga mata.
Kanya-kanyang pag-alala sa patutunguhan upang makapag-umpisa ng maaga.
Pagtahak sa tulay na nakasanayan na, hindi alintana mga taong makakasalubong sa pagbaba.

Pagsulyap sa ibaba, pamilyar na mga mata and nakita.
Tadhana ang may akda sa segundo na mahiwaga.
Tila ba pinakamahabang segundo sa pagtawid sa tulay na ito.
Mga matang dati-rati'y natitigan hanggang mawala ang sinag ng araw na nagbibigay kislap sa mga ito.

...............................
...............................
...............................
...............................

Posted by unicaizy 11:26 Archived in Philippines Comments (2)

hihirit pa

for you

sunny

edit_bread2.jpg
I'm blissful for the love within the circles that I dwell
My family, friends and even those who've made life seem like hell
For each of those have taught me more regarding how to Love
Provide me feelings to express these things that I write of

I'm blissful too for all my friends who are reading this today
For the bonds that we have formed since your paths have crossed my way
And for the future and all it brings for all we have to share
The giving of ourselves to show the world how much we care

There's so much that I'm thankful for though sometimes I'll forget
Beliefs revived from the past that I perceive as threats
But it's these times I must remind myself of what I know
That when they show their presence that they're here to help me grow

One final thought I'll share today before I say I'm through
I'm so grateful for these words to give today to all of you
It is my wish that they will help you keep the attitude
Which leads to that which you desire and comes through gratitude.

Salamat. :)

Posted by unicaizy 07:40 Archived in Philippines Comments (6)

IOSTRIEGNAO

sunny

Namamasang mga kamay, malamig kasama ang talampakan.

Maputlang mga labi, hindi mapakali, talagang hindi mawari.

Iaabot o hindi.

Kumuha ng tamanng tiyempo kasabay ang walang sawang suporta mula sa mga kaibigang nabuo.

Ang dating blankong kwaderno ay nalamanan ng mahahalagang letrang ito IOSTRIEGNAO.

Pinatibay ang binti, dahan dahang tumindig at inihatid liham na matagal hinabi.

Pagkalipas ng ilang sandali, pakiramdam ay lumiksi sa dahilang tinik ay nahawi sa isang kumpas ng panipi.

aleksandra..et_whew.jpg

Posted by unicaizy 11:00 Archived in Philippines Comments (2)

w.h.y

storm 0 °C

question-mark.jpg

Nahihirapan.
Hindi alam kng anong tunay na nararamdaman.
Pilit tinatanong ang sarili. Bakit; ano ba ang problema. Ano ba talaga ang nadarama.
Siguro ang problema ay hindi maamin sa sarili ang mga bagay na talagang nakakasakit na sa damdamin. Sadyang duwag nga ba o pilit lang ikinukubli ang nadarama. Pinipilit maging maakas ngunit ang katotohanan ay nagsususmigaw na.
Tila ba isang punyal nakabaon na hindi alam kung kailan at sino ang may gawa.

Masakit? oo masakit, nasasaktan ng sulit.
Ito naman ang ninais nuong una, ngunit nang ibigay na bakit nasasaktan na taliwas sa dapat madama.

Nais huminto kahit isang minuto.
Maupo at hayaang dumaloy pawis ng mga matang ito.

Posted by unicaizy 06:30 Archived in Philippines Comments (1)

Napadaan

sunny

Sakay ng jeepney, napadaan sa pamilyar na lugar.
Sari-saring alaala ang bumalik.
Ipinikit mga mata na nananabik na muli itong masilip.

girl_backpack.jpg
Naalala noong paslit pa; sa paaralan na pinasukan ng elementarya.
Unang araw sa eskwela, nakapusod pa ngunit ayaw bumitaw kay mama.
Nakakatawa dahil mayabang pa noong una, maagang namili ng gamit sa eskwela,yun pala ay magagaya sa mga paslit na iyak lang ang ginawa.

Anim na taon sa elementarya, punong-puno ng memorabilya.
Masasaya; Nakakahiya; Malungkot ngunit meron din bongang-bonga sa kalokohan kahit bata pa.
Napapangiti sa paggunita sa mga kakulitan kasama ang unang mga barkada. Karamihan ng mga eksperyensya ay una, kaya naman lubhang natatandaan ng memorya.

Unang takdang-aralin na kinopya; unang pag sulat sa pisara; unang pagkain sa lamesa, pati unang palaman sa tinapay galing kay mama.
Unang hinangaan at unang manliligaw na totoy pa.
Unang pagtambay sa bahay ng iba; unang pagpasyal kasama ang mga kaedad na isang linggo inipon ang pera; unang sweldo sa paluwagan na nakakatuwa.
Unang sermon mula sa tagapamahala; unang takas sa gwardya na antukin talaga. Unang parusa sa kalokohan ngunit naging katuwaan pa.
Unang kapareha sa sayaw kahit parehong kaliwa pa ang paa; unang kostyum sa 'kantata' na halos pulmonyahin na.
Unang alagang gulay na iniyaakan noong nalanta na; unang pukpok ng martilyo na hiniram pa kay papa.

At meron pang iba, anim na 'picture frame' mula palitan ng regalo tuwing pasko. Pati letrato suot ang bagong damit tuwing 'party' ng pasko. Ha! Ha! talagang nakakatuwa.

Tila ba isang mahabang pelikula na napakasarap panuoorin pa, ngunit naalala kailangan na palang bumaba.

Posted by unicaizy 06:58 Archived in Philippines Comments (1)

iwan

sunny

naiwan sa isang pasyal na gusto.
nakakalungkot pero kailangang tanggapin ito.
siguro ay sadyang ganito.
hindi pwede ang lahat ng gusto.
dahil oras ay hindi magkasundo.
hay.. sana'y panahon ay maaring mabago.
sa oras na ito sana ay nakikigulo.
bangui_windmills.jpg

Posted by unicaizy 11:53 Archived in Philippines Comments (3)

bliss

storm 0 °C

cute.jpg

You wake up and he’s on your mind.
Another subject, you can’t find.
You used to think it was just a bluff.
But now you realize, you can't get enough.

You see him and can’t help but smile.
Think of him for miles and miles.
Weak in the knees when he comes through.
You know his eyes see right through you.

You don’t care what people say.
You want to be with him all day.
Seeing him you can’t get enough.
And you can see that you’re in *o*e.

Posted by unicaizy 09:52 Archived in Philippines Comments (0)

Para

para sandali

sunny

car7p.jpg
Byahe. Mabilis. Mahangin at maganda ang tanawin. Isang eksena na mahirap palagpasin. Palayo sa nakasanayang lugar patungo sa inaasam na lupain.

Byahe, sige lang ng sige. Byahe na ikaw ang may mahawak ng manibela. Ikambyo at apakan ang gasolina. Lasapin ang hangin at pangarapin ang nais mararating; habang hinahayaang palagpasin mga destinasyon na hindi ninais silipin.

Sa pag aasam na marating destinasyon na hiling, hindi naisip na preno ay importante’t magaling. Kaya sa paglalakbay marami mang nakitang tanawin na gustong maiging tanawin’, walang magawa kundi ibaling ang paningin sa salamin.

Para! Para! Minsan ay nais ding bumaba upang makilala mga anghel sa baba. Ibahagi ang tadhana, magsaya at subukin silang makasalamuha. Hindi naman masama paminsan ay huminto at magsaya, habang ang mapa ay maayos pa din na nakaporma.

“Para!” naisip na importanteng salita. Sa byahe lalo na. Upang lubusang makilala ang patutunguhang tadhana. Huwag makuntento sa pagsilip sa salamin at tuluyang humawak sa manibela habang patuloy na nakaapak sa gasolina. Huminto at makisaya sa mga biyayang hindi na maarinng maulit pa.

Salamat sa mga nakilala at makikilala pa. Mga nakilalang naglagay at nagdagdag kulay pa sa byaheng akala ay perpekto na.

Posted by unicaizy 08:06 Archived in Philippines Comments (1)

chill

one cozy morning; a cup of coffee and good music.

sunny

cup-of-coffee.jpg

...im running from this feeling for so long. telling my heart i didnt need you. pretending i was better off alone, but i know it's just a lie.
... so afraid to take a chance again, so afraid of what i feel inside.

...don't stray dont ever go away, i should be much too smart for this.
...i'm falling thru an ocean of you..
... im practicing your name so i could say it to your face.
... my head is battling with my heart, the logic has been torn apart

..you'll dont know what you got till it's gone

...i wouldnt be here if i didnt love you; i wouldnt be here if i didnt care; i wouldnt waste your time or my time in a love thats going nowhere.

..i dont know why i can't take my eyes off of you.

...trapped in the past, i just can't seem to move on.
...i need inspiration not just another negotiation..

...i hope i could find the words to say.

...i know who i want to take me home

...we're okay we're fine. Baby im here to stop your cryin.

... looked at you looking at me, now i know why they say the best things are free.

...your love complete my existence

too many unsaid words, it seem to flash all around me; wanting to burst out of my lips to let you know how much you mean to me.

Posted by unicaizy 12:54 Archived in Philippines Comments (0)

exodus

sunny

exodus.jpg
Preparado ang isipan ngunit tinatanong padin ang puso na nagpapakamanhid lamang. Handa na nga bang ipagpatuloy exodus nagbabadyang matuloy.

Kung iisipin wala naman ng pumipigil sa nais na mangyari, ngunit hindi pa rin mawari kung bakit minsan ay gustong magpasintabi.

Iniisip kung sinong mag aalaga sa pamilya na hindi maiwan dahil sa pag aalala; dapat nga bang tahakin na ang landas na sa tingin ay nakalaan. Kinakailangan ng gamitin ang mga pakpak na hinubog ng panahon; at subukang sumahimpapawid na.

Siguro nga'y handa na at ang panahon ay dumating na. Dapat iwaksi na ang takot, at manalig ng walang paghihimbot.

Posted by unicaizy 06:24 Archived in Philippines Comments (3)

(Entries 1 - 12 of 31) Page [1] 2 3 »