A Travellerspoint blog

patak

rain

Isa dalawa tatlo,
Apat lima anim pito,
Mga kristal na nagmumula sa mga ulap na bulto-bulto.
Isang kaibigang nagbabadyang pumarito,
at tinatawag ang bawat paslit upang mamuno.

Nuong yagit pa, bawat patak ay napakahalaga dahil ito'y senyales na ng walang kasing sayang paglilibang kasama ang iba.
Bawat patak at hinahanap hanap, nais saluhin gamit ang mga labing nanabik na.
Sa lubusang pagdating ng kaibigang hinihintay sa tuwina, lansangang nagsisisilbing palaruan ay mapupuno ng ligaya.
Ligayang hindi natutumbasan ng mga laruan na mayroon na.

Tila ba ngayon ay nalimot na ang kaibigang dati-rati'y hinihintay ang pagbisita.
Marahil napagod na sa pagtakbo kasama siya,
o hindi kaya ay nagbago na and mga nais gawin sa tuwina.

Naparaming pagkakataon na sa kanyang pagpunta ay hindi pinapansin na,
minsan ay kinayayamutan pa pagka't wika nga ay istorbo na sa pagsasaya.
Hindi naalala ligayang minsan ay nakamtan kasama siya.

...................................
...................................

playing.jpg

Isa dalawa tatlo,
Apat lima anim pito,
heto at paparito pamilyar na patak mula sa ulap na bulto-bulto.

Hiyawan mula sa labasan,
tila isang awitin na napakasarap sabayan,
kaya ng may makitang kaibigan na nagsasaya muli kasama ang ulan,
hindi na napigilang muling makipaglaro sa kaibigang muntik nang makalimutan.

Napasarap muling maranasan, tampisaw at habulan sa ilalim ng maligalig na ulan.

Posted by unicaizy 20:38 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

..baw! wall post sa fb..same! =) miss you izy!! =)

by c.pinas

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint