A Travellerspoint blog

counter flow

time stands still

rain

DSC03154.jpg

Kalsada, isang malayang lansangan sa pagitan ng naglalakihang mga istraktura.
Kalsada, na nagiging napakalaking entablado sa tula na hinabi ng tadhana.
Kalsada, na tila isang piping nagmamasid lamang sa mga namamanata.

Sa pagtahak sa napakakomplikadong daan patungo sa kung saan, kasabayan mga nilalalang na iba't iba ang nais patunguhan.
Minsan nagkakabunguan, ngunit mabilis din namang nalilimutan.
Libo-libo and nakakabungo ng mga matang nagmamasid sa pagliko.
Mga mata na patungo sa kabilang direksyon na nais ko.

Isang ordinaryong umaga, halos pikit pa ang mga mata.
Kanya-kanyang pag-alala sa patutunguhan upang makapag-umpisa ng maaga.
Pagtahak sa tulay na nakasanayan na, hindi alintana mga taong makakasalubong sa pagbaba.

Pagsulyap sa ibaba, pamilyar na mga mata and nakita.
Tadhana ang may akda sa segundo na mahiwaga.
Tila ba pinakamahabang segundo sa pagtawid sa tulay na ito.
Mga matang dati-rati'y natitigan hanggang mawala ang sinag ng araw na nagbibigay kislap sa mga ito.

...............................
...............................
...............................
...............................

Posted by unicaizy 11:26 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

nasaan ka sa lansangan? haha!
Galing talaga ni bunso! :)

by iamian

tseeee!!!!!!!

by nyce888

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint