A Travellerspoint blog

Napadaan

sunny

Sakay ng jeepney, napadaan sa pamilyar na lugar.
Sari-saring alaala ang bumalik.
Ipinikit mga mata na nananabik na muli itong masilip.

girl_backpack.jpg
Naalala noong paslit pa; sa paaralan na pinasukan ng elementarya.
Unang araw sa eskwela, nakapusod pa ngunit ayaw bumitaw kay mama.
Nakakatawa dahil mayabang pa noong una, maagang namili ng gamit sa eskwela,yun pala ay magagaya sa mga paslit na iyak lang ang ginawa.

Anim na taon sa elementarya, punong-puno ng memorabilya.
Masasaya; Nakakahiya; Malungkot ngunit meron din bongang-bonga sa kalokohan kahit bata pa.
Napapangiti sa paggunita sa mga kakulitan kasama ang unang mga barkada. Karamihan ng mga eksperyensya ay una, kaya naman lubhang natatandaan ng memorya.

Unang takdang-aralin na kinopya; unang pag sulat sa pisara; unang pagkain sa lamesa, pati unang palaman sa tinapay galing kay mama.
Unang hinangaan at unang manliligaw na totoy pa.
Unang pagtambay sa bahay ng iba; unang pagpasyal kasama ang mga kaedad na isang linggo inipon ang pera; unang sweldo sa paluwagan na nakakatuwa.
Unang sermon mula sa tagapamahala; unang takas sa gwardya na antukin talaga. Unang parusa sa kalokohan ngunit naging katuwaan pa.
Unang kapareha sa sayaw kahit parehong kaliwa pa ang paa; unang kostyum sa 'kantata' na halos pulmonyahin na.
Unang alagang gulay na iniyaakan noong nalanta na; unang pukpok ng martilyo na hiniram pa kay papa.

At meron pang iba, anim na 'picture frame' mula palitan ng regalo tuwing pasko. Pati letrato suot ang bagong damit tuwing 'party' ng pasko. Ha! Ha! talagang nakakatuwa.

Tila ba isang mahabang pelikula na napakasarap panuoorin pa, ngunit naalala kailangan na palang bumaba.

Posted by unicaizy 06:58 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

nakatutuwang balikan!

by iamian

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint