A Travellerspoint blog

Para

para sandali

sunny

car7p.jpg
Byahe. Mabilis. Mahangin at maganda ang tanawin. Isang eksena na mahirap palagpasin. Palayo sa nakasanayang lugar patungo sa inaasam na lupain.

Byahe, sige lang ng sige. Byahe na ikaw ang may mahawak ng manibela. Ikambyo at apakan ang gasolina. Lasapin ang hangin at pangarapin ang nais mararating; habang hinahayaang palagpasin mga destinasyon na hindi ninais silipin.

Sa pag aasam na marating destinasyon na hiling, hindi naisip na preno ay importante’t magaling. Kaya sa paglalakbay marami mang nakitang tanawin na gustong maiging tanawin’, walang magawa kundi ibaling ang paningin sa salamin.

Para! Para! Minsan ay nais ding bumaba upang makilala mga anghel sa baba. Ibahagi ang tadhana, magsaya at subukin silang makasalamuha. Hindi naman masama paminsan ay huminto at magsaya, habang ang mapa ay maayos pa din na nakaporma.

“Para!” naisip na importanteng salita. Sa byahe lalo na. Upang lubusang makilala ang patutunguhang tadhana. Huwag makuntento sa pagsilip sa salamin at tuluyang humawak sa manibela habang patuloy na nakaapak sa gasolina. Huminto at makisaya sa mga biyayang hindi na maarinng maulit pa.

Salamat sa mga nakilala at makikilala pa. Mga nakilalang naglagay at nagdagdag kulay pa sa byaheng akala ay perpekto na.

Posted by unicaizy 08:06 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

..ikaw ba ay lalayo na?? tsk tsk tayo ay nagkakaubusan na. hehe

by c.pinas

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint