A Travellerspoint blog

Tahimik

...........na Giyera

rain

between.jpg
..isang giyera ang dinaraanan. Giyera na iilan lang ang nakakaalam. Giyera na nasaksihan kung paano nagningas, umusok hanggang tuluyan nang umapoy at sumira sa lubid na nagbubuklod sa pagkakaibigan. Sinubukang apulahin; sana ay mas maaga mas magaling; ngunit bigo sa mithiin.

Giyerang naging napakalaking ligaw na apoy, ngunit iilan lang ang nakaaamoy. Giyerang tila tahimik at napakaliit ng sibol ngunit ang katotohana'y napakalalim ng ugat na patuloy ang pagdaloy.

Sinisikap pahintuin ang pag niningas ng apoy ng giyerang hindi lubos akalain ay madaraanan sa kasalukuyang pag-aaliw. Dalawang panig na sadyang malapit sa dibdib, dahilan kung bakit hindi malaman kung saan papanig. Wari'y isang maliit sinulid sa pagitan ng dalawang telang nagngingit-ngit at nais ng mapunit.

Pili't na pinagdidikit ang dalawang sala-sa-init-sala-sa-lamig; hindi mag kasundo ang hilig kaya't laging nag-iinit. Minsan ng inisip na bumitaw at sumuko, hayaan na sila'y magkalabo-labo, ngunit nabigo; nanaig ang bugso ng puso.

Lumalaki ang sakop ng giyerang ito, nasasaklaw na tila kalahati ng mundo. Ngunit sa kabila nito, tanaw pa din ang liwanag sa may bandang dulo, dahil unti-unting natatabing madidilim na ulap sa harapan nito. Nawa'y tuluyan ng maapula sunog na gawa ng maling akala; at tuluyan ng lumiwanag ang lupain ng nadaanan ng giyerang hindi alam kung san nagsimula.
peace.jpg

Posted by unicaizy 12:31 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

..darating ang oras na ang langit ay magliliwanag at lalamunin ang may kasalanan.. wahahaha

by c.pinas

Eto mas sosyal....
Only WATER can extinguish what the FIRE has been written! - ano ha.

by Novartis

..success!!

by c.pinas

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint